Si Juan na naman? | Of dolomite, stupidity and Chinese Visa in the future

Kumusta na mga besh? Kaya pa ba?

Siguro naman alam niyo na nangyari kamakailan. Kagulo ang mga tao na nagdagsaan sa Manila Bay Walk.

The City Government of Manila has opened the Manila Bay Beach with its hundreds of millions of pesos worth of fake white sands.

And as expected, people went to the place completely disregarding quarantine protocols, physical distancing and common sense, which apparently has not been so common the past four years.

May mga lolo’t lola na pumunta. May mga nanay na kasama pa ang mga baby, pero wala na siguro tatalo kay Ate na nakaswimsuit pa. Sana nga naligo siya para di sayang ang outfit at aura niyang pam-Boracay. Ay teka kahit pala milyones ginastos sa Manila Bay mabaho at madumi pa rin ang tubig!

Pero sabi nga ng Malacañan, makakabuti ang fake white sands sa Manila Bay sa mental health ng mga tao.

Na makakatulong ito para makalimutan ng mga walang trabaho at walang makain ang hirap ng buhay at kumakalam na sikmura.

Because of the fake white sands people will forget the corruption and inefficiency of this government.

The fake white sands of Manila Bay will probably make people forget the wrong priorities and lack of foresight of this government. Meron ba ever in the first place?

So mga besh, naniniwala talaga kayo na para sa inyo ang pagpapaganda ng Manila Bay?

Alam niyo ba na ang Manila White sand project ay simula pa lamang ng isang bilyong dolyar na plano na ireclaim ang 360 ektaryang lupa sa Manila Bay?

At ibinigay ito sa isang Chinese company, ang China Harbour Engineering na subsidiary ng China Communications Construction Company (CCCC). Ito ang kompanya na nagtayo ng mga Chinese military installation sa West Philippine Sea na gamit ang mga lupa na galing sa Bataan at Zambales.

Ang kompanyang ito rin ang magtatayo ng Sangley Point International Aiport sa kabila ng pagtutol ng Philippine Navy at iba pang opisyal ng bansa dahil palalayasin ang Philippine Navy sa Sangley at mawawalan ng depensa ang Manila sa anumang pag atake ng mga dayuhan sa kapitolyo ng ating bansa.

Ang China Harbour din ang magtatayo ng railway project na magdudugtong ng Subic at Clark.

Another interesting trivia is the fact the World Bank has banned CCCC and its subsidiaries from 2011 to 2017 due to fraudulent practices.

May limang reclamation project sa Manila Bay pero lahat ng mga ito ay naibigay sa mga Chinese Construction company na may kasosyong mga lokal na kompanya gaya ng Udenna Corporation ni Dennis Uy at ng SM Prime Holdings.

Ayon pa sa report sakaling matapos ang ambisyoso pero nuknukang pagbebenta ng Manila Bay sa China, pupunuin ito ng nga casino at mga establisyemento para sa mga Intsik na papalibot maging sa US Embassy.

Baka sa susunod na pupunta tayo sa Roxas Boulevard para kumuha ng Visa ay hindi na tayo pupunta sa US Embassy, sa Chinese Embassy na!

Tama naman sinasabi ng mga DDS at mga alyado ng Mayor ng Pilipinas, ilan Presidente na ang umupo sa Malacañan pero hindi nila napaayos ang Manila Bay at natanggal ang basura dun.

Pero walang Presidente ng Pilipinas ang gumastos ng P379-M para sa pekeng white sands at itambak sa Manila Bay.

Wala ring Presidente ng Pilipinas ang sobrang makahimod sa puwet ng China na halos ibenta na ang lahat sa mga Intsik na gaya ng nangyayari ngayon.

Sa mga pumunta pala sa Manila Bay sana hindi kayo mawalan ng panlasa at pang amoy sa mga susunod na araw ha. At sana wala kayong naiuwi sa pamilya niyo dahil libu-libo ang itinataas ng COVID-19 cases sa Pilipinas at maraming Pilipino ang namamatay araw araw.

Saka nag-uwi ba kayo ng pekeng white sands? Sana oo kasi binayaran natin yun sayang naman ang buwis natin kung wala tayo souvenir mga besh.

Tama lang na may pekeng white sand tayo sa bahay natin. Kailangan yan for our mental health.

Kasi pagdating sa mga totoong problema natin hanggang ngayon patuloy pa rin tayong naniwala sa mga pekeng pangako, pekeng pagbabago at pekeng mga solusyon ng the best and brightest na mga alipores ng Mayor na nagbabakasyon sa may Ilog Pasig.

At dito ako galit na galit.

Recommended Posts