Si Juan na Naman? | A, E, I, O, U ba kamo, paano?

Kumusta na mga besh? Kaya pa ba?

Ngayon araw ang simula ng klase para sa lahat ng mga public schools sa buong Pilipinas. Pero di gaya ng mga nakaraang taon na parang perya, fiesta at karera sa kabayo sa ingay at gulo, tahimik ang public elementary school sa tapat ng aming bahay.

Walang siksikan ng mga tricycle na naghahatid ng mga bata, walang mga nanay na naghihintay at nagkukuwentuhan sa labas ng gate ng school, at walang mga batang nag-iiyakan dahil sa takot na iwanan ng kanilang mga nanay sa classroom.

Kakaiba ang school opening na ito kasi dati nasanay tayo sa June. Eto Oktubre na.

Iba rin ito sa mga nakasanayan, kasi kung dati ay siksikan ang mga classroom sa dami ng mga bata, ngayon walang laman ang mga silid paaralan. 

Wala mga bagets, wala si Principal, wala sina Mam at SIr. Si Manong Guard lang ang present.

Dahil sa COVID-19 pandemic maging ang pag-aaral ng mga bata ay apektado. Dahil dito minabuti ng Department of Education (DepEd) na ipatupad ang blended learning na kung sisimplehan ay malaking bahagi nito ang online o distance learning dahil nga hindi pa puwede ang face-to-face na pag-aaral ng mga bata ngayon.

Sa tala ng DepEd, mahigit na 21.5 milyong mga bata ang nag-enrol ngayong pasukan. Marami sa mga batang ito mula elementary, high school at senior high ay galing sa mga pribadong eskuwelahan na hindi na kinaya ng kanilang mga magulang ang tuition. Dahil nga maraming mga padre de pamilya, mga nanay, ate at kuya ang nawalan ng trabaho because of COVID-19 na galing Wuhan, China. Baka kasi makalimutan to mga besh. 

Ang tanong eh, ready nga ba talaga ang mga bata sa ganitong klase ng pag-aaral? Kung nung regular schooling nga nananatiling mababa ang reading and comprehension skills ng ating mga mag-aaral kumpara sa ibang bansa.

Sa datos ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) noong third quarter ng 2018, lumabas na angat ang Pilipinas sa buong Southeast Asia dahil 97.5% ng ating populasyon ay literate, ibig sabihin siyam sa 10 Pinoy ay marunong magbasa. Magbasa po ha. 

So what is the problem?

Eto ang problema: noong nakaraang taon, halos magwala ang DepED matapos lumabas ang report ng 2018 Program for International Student Assessment (PISA) Report.  The report said high school students in the Philippines got lower scores in reading comprehension, science and mathematics compared to other countries that were also included in the survey.  

The Philippines got an overall score of 340 points which is miles apart from the 555 rating that the number one country, which was China, scored in the survey.

Ito pa ang mas masaklap mga besh, mahigit sa 80% ng mga Pinoy students na nasa edad 15 anyos ang hindi man lang umabot sa minimum level of proficiency sa pagbabasa.

Sabi isa raw sa dahilan kung bakit mababa ang antas ng literacy ng ating mga estudyante ay hindi raw nabibigyan ng tamang pagtuturo ang mga ito pagdating sa literacy at numerancy.

Tapos ngayon blended learning na tayo.  Hanggang kahapon, nagkukumahog pa ang DepEd na maipadala ang mga learning modules sa mga bata.  At aminado rin ang DepED na hindi lahat ng mga bata makakatanggap ng learning modules.

Learing modules pa lang po ito. Paano pa ang mga gadgets–tablet, laptop, mobile phones, WiFi access ng mga bata ngayon pasukan?

Buti pa ang Maynila may maayos na programa si Yorme Isko Moreno para sa mga batang Maynila kasama ang isang telco, Globe ata yun.

Siyempre may programa rin si Mayor Joy Belmonte ng Kyusi at si Mayora Abby Binay ng Makati.

At lalong hindi magpapahuli ang bagito pero napakaeffective na Mayor ng Pasig na si Vico Sotto na ilang araw bago magsimula ang pasukan ay idenideliver na ang mga gadgets ng mga public school students and teachers ng lungsod. P1.4-Billion ata budget nila sa mga gamit.

Pero paano naman ang ibang mga bata? Hindi lahat kasing yaman at may mga Mayor na advance mag isip gaya ng Manila, Quezon City, Makati at Pasig.

At diyan ako lalong galit na galit.

Recommended Posts