Si Juan na naman? | A fake will always be a fake.

Kumusta na mga besh? Kaya pa ba?

Siguro naman napanood niyo yung speech ni Mayor ng Pilipinas sa UN General Assembly kamakailan.

For the first time in his more than four years in running the vacation house by the Pasig River, he spoke at last on the international tribunal ruling in 2016 that favored our claims in West Philippine Sea.

Sabi niya ipaglalaban niya ang desisyon laban sa ginagawang pambubully at pagpasok sa teritoryo ng Pilipinas ng China.

Halos lahat nagulat. Nag-iba na ang ihip ng hangin. Pati ang mga dating binabanatan niya dahil sa paglaban ng ating mga teritoryo sa West Philippine Sea ay nabigla pero natuwa sa speech ni Mayor.

Pero pagkalipas lamang ng dalawang araw may sinabi ang China:

“The important consensus reached between President Xi Jinping and President Duterte, such as putting aside maritime disputes, managing the situation through bilateral consultations and enhancing dialogue and cooperation, have to be vigorously implemented by both sides, so that the sound momentum of bilateral relations as guidepost to the way forward could be well preserved and enhanced,” Huang Xilian, Chinese Ambassador to the Philippines.

Na agad naman sinegundahan ng mouth piece ng bahay-bakasyunan sa may Ilog Pasig na hindi na raw natin makikita sa tanang buhay natin na mareresolba ang gusot sa West Philippine Sea kaya dapat mag-move on na tayo.

Oo nga naman. Bakit naniwala tayo na ipaglalaban ni Mayor ang interes ng Pilipinas kontra sa BFF nitong si Winnie Da Pooh?

Di ba consistent naman siya na hindi pa man tayo lumalaban eh talo na raw tayo agad sa mga sigang Intsik.

In short, napeke na naman tayo ni Mayor!

Gaya ng pekeng pangako niya na mag jejetski siya sa West Philippine Sea at itatayo ang bandila ng Pilipinas doon.

Gaya ng pekeng pangako niya na wawakasan ang iligal na droga sa Pilipinas sa loob lamang ng anim na buwan.

Gaya ng pangako niya na susugpuin ang korapsyon at katiwalian sa gobyerno. Hi Secretary Duque, Ricardo Morales at iba pang opisyal ng PhilHealth! Sarap ng buhay no?

Gaya ng pangakong tulong at ayuda sa mga Pilipino ngayon panahon ng pandemic. Trilyones na ang mga inutang pero nasaan ang pera at plano?

Gaya ng pangako na tatapusin ang trapik at ang mahabang pila sa MRT at LRT. (Nagawa naman daw dahil ilang buwan din suspendido ang operasyon ng MRT at LRT dahil sa COVID-19. Walang tren di walang pila Besh, anubeh?!)

Napakarami pang ibang pangako si Mayor pero halos walang natupad sa mga ito. Kung may maalala kayo pakibanggit na lang. Yung pagtaas ng suweldo ng mga sundalo utos pa yan nung nakaraang administrasyon. Yung mga pinapatayong mga proyekto na mga daan at kung anu-ano pa malamang galing pa sa nakalipas na gobyerno.

So ano punto ko mga besh?

Simple lang. Nakakasawa at nakakapagod na ang mga “fakeness.”

Sana gawa naman na.

We deserve so much more. Moratorium na po sa mga pekeng pangako, pekeng atapang na atao pero takot kay Winnie Da Pooh at higit sa lahat pekeng malasakit sa Pilipinas at mga Pilipino.

At kung naniniwala ka pa rin sa mga pekeng pangakong ganito….dapat masolusyunan na natin ang problemang ito. Dahil kahit anong pabalat bunga o anong press release pa ang gawin ng mga nasa bakasyunan sa Ilog Pasig, ang peke kahit bali-baliktarin mo peke pa rin.

Siya nga pala inaanod na ang mga pekeng white sand sa Manila Bay.

At dito ako lalong galit na galit.

Recommended Posts