Si Juan na naman? | Barking at the wrong tree and not barking at all

Kumusta na mga besh? Kaya pa ba?

Nitong mga nakaraang araw, pikon na pikon ang Mayor sa may Pasig River kay Vice na tinatawag na _eni Lugaw ng kaniyang mga alipores. Tinanong daw kasi ni Vice _eni Lugaw kung nasan ang Mayor nung kasagsagan ng delubyo sa Bicolandia, Northern Luzon, NCR, Central Luzon at ibang pang panig ng bansa dahil sa Bagyong Ulysses.

Galit na galit si Mayor sa kaniyang monologue ng pang-iinsulto at pagbabanta kay Vice. Yung pala na-fake news siya. Nagkamali (o baka sinadya) ang mga alipores niya sa ibinulong sa kaniya na detalye. Nagsorry naman si Boy Tuko pero alam mo yung sorry na hindi sorry.

Tapos nitong weekend, full throttle ang Mansion sa may Pasig River sa pagbatikos at pagpaling ng sisi sa mga anak ni Vice. Nag Tweet daw ang mga ito laban sa Mayor kaya nagalit ang matanda. Pati mga fans ng Mayor todo sa pag-atake sa mag-iina.

Tanong ko lang bakit sila galit na galit kay Vice at mga anak nito? Ginagawa lang niya ang dapat gawin para sa mga kababayan natin na sinalanta ng bagyo. Yung mga anak naman nagtanong lang kung tulog pa at sumagot na Sabado kasi. Hindi naman sinabi kung sino ang tulog pa at higit sa lahat mga private citizen ang mga ito. Sabi nga kung sino unang pumiyok malamang guilty, tama ba?

Bakit hindi nagagalit si Mayor at mga alipores nito sa pambubully ng China sa West Philippine Sea? Bakt wala man lang tayong naririnig kung paano takutin, saktan at dahasin ang ating mga mangingisda sa West Philippine Sea at Scarborough Shoal?

Bakit hindi sila nagagalit sa pagpasok ng mga iligal na POGO woker dito sa Pinas at lalong hindi nagagalit kung hindi nagbabayad ng tax ang mga ito? (Nagbayad naman daw sila sa pastillas scam sa NAIA).

Bakit hindi sila nagagalit sa gobyerno na hanggang ngayon ang tanging tugon sa COVID-19 pandemic ay umasa sa vaccine kuno ng China at Russia na dumating?

Bakit hindi sila nagagalit na marami ang walang trabaho, walang makain at walang maasahang ayuda sa gobyerno?

Bakit hindi sila magalit mga corrupt na opisyal ng gobyerno? Sa mga quarantine violator na PNP chief o Senador?

Bakit hindi sila nagagalit na na hanggang ngayon walang big time na drug man lang ang nahuhuli o nakukulong? Di ba may pangako na in three to six months ay matatapos ang drug problem sa bansa. (Nangako na nga, tutuparin pa?!)

Bakit hindi sila nagagalit na hanggang ngayon wala pa rin ang pangakong pag-jetski sa West Philippine Sea?

Bakit sila hindi nagagalit na hanggang ngayon wala pang nakukulong sa mga opisyal ng PhilHealth na nagnakaw ng umano’y P15 bilyong piso mula sa kontribusyon ng maraming pobreng Pilipino?

Bakit hindi sila nagagalit sa mga illegal loggers na siyang dahilan ng pagkakalbo ng mga bundok na siya namang dahilan ng mga flashflood tuwing may bagyo?

Bakit sila hindi nagagalit sa kabagalan ng gobyerno na gumalaw para matulungan ang mga binagyo?

Marami pa mga dahilan kung bakit sila dapat magalit pero next time na yun.

Eto na lang, eh tayo kayang mga Pilipino kelan tayo magagalit?

Ako galit na galit na.

Recommended Posts