SI JUAN NA NAMAN | The bully, the BFF and those damn cell towers

Kumusta na mga besh? Kaya pa ba?

I had the chance to talk to a fisherman in Puerto Princesa several years ago. He told me of the hardships they have to endure just to be able to fish in the West Philippine Sea.

Kuwento sa akin ni Mang Ferdie noon, pag may makakasalubong silang mga barko ng China, siguradong mamalasin sila. Bukod sa kung anu-anong salita naririnig nila mula sa mga Coast Guard ship ng China ay binubugahan pa sila ng tubig ng mga ito. Libre paligo ika nga kahit ayaw nila at gusto lang nilang may maiuwi sa kanilang mga pamilya pagbalik sa Puerto.

Fast forward now.

Nothing has changed. Mas malala pa ngayon. China has used the pandemic that originated in Wuhan to further solidify their military presence in the West Philippine Sea. Reports of China solidifying its military bases in several artificial islands it built in the territory were so many.

Pero mas marami ang mga Chinese fishing vessels na nakapasok sa ating Exclusive Economic Zones at inaani ang ating yamang dagat sa nakalipas na ilang taon. Actually this has been so rampant and unabated since 2016. Bukod sa pagnanakaw, sinisira rin ng mga dayuhang ito ang ating mga coral reef.

Bakit nga ba? Eh paano naman si Yorme, hindi pa naman nag-iinit ang puwet sa may Ilog Pasig sinabi na agad na wala tayo laban sa China. At paulit-ulit na sinasabi sa nakalipas na mahigit na apat na taon na nakapuwesto.

Saka panay ang puri sa Best Friend Forever nitong si Winnie…da pooh.

So habang nagkakagulo ang buong mundo dahil sa COVID-19, ang bully mula sa ibayong dagat lalong naging siga sa West Philippine Sea. Ang mga kababayan natin na gaya ni Mang Jaime, bukod sa nakikipagsapalaran sa malalaking alon sa karagatan, kailangan din makipag-hide and seek sa mga Chinese Coast Guard. Buti pa raw ang mga taga Vietnam pag nakakasalubong nila inaalok sila ng tubig at pagkain.

Tayo pinagmamalaki ng Defense Department na gagawa na sila ng beaching ramp sa Pag-Asa. Ang galing no? Ang bully may airstrip, submarine dock, missile batteries at kung anu-ano pa, tayo may beaching ramp. Winner!

Yung mga Intsik namimigay din naman daw ng tubig…binobomba nga lang mula sa mga hose.

And this has been happening in our backyard for the last four years.

Bago ko makalimutan, maglalagay na pala ang isang telco na pag-aari ng China Telecom…na pag-aari ng China sa mga kampo ng militar ng kanilang mga cell tower. Hindi po sa labas ng mga bakod ng Camp Aguinaldo o ng Western Mindanao Command sa Zamboanga City o sa West Command sa Puerto Princesa ilalagay ang …sa loob mismo ng ating mga kampo.

Spoiled na spoiled. Lahat ibinibigay.

Matanong ko nga pala kayo? Naramdaman niyo na ba ang resulta ng pagkakaibigan nina Yorme at ni Winnie…da pooh? Bukod sa pambubully, sa COVID-19, sa planong gawin tayong mga guinea pig sa trial ng vaccines kontra sa pandemic, sa mga palpak na testing kits, mahinang klaseng PPEs, face masks, face shields, mga POGOng hindi nagbabayad ng buwis, mga illegal na droga, mga bastos na turista at mga sigang mga miyembro ng sindikato, may naramdaman o nakita na ba kayong pakinabang sa pagkakaibigan at pagiging BFF ni Yorme at Winnie…da pooh?

Kung tatanungin natin si Mang Ferdie, malamang isasagot niya wala.

At dito ako galit na galit.

Recommended Posts